acting,bangkok,full house,gma 7,heart evangelista,media,richard gutierrez,suvarnabhumi airport,thailand
In mga sikat na tao, nakatutuwa on Disyembre 19, 2009 at 11:47 umaga

Full House - Richard Gutierrez, Heart Evangelista
nakapanood pala ako ng full house na palabas sa gma 7. kinabibilangan ito nina richard gutierrez (justin) at heart evangelista (jessie). sa totoo lang, mas natutuwa pa rin ako sa orihinal na palabas na ito na galing south korea pero nakakayanan ko naman itong panoorin dahil magaling si heart evangelista.
kagabi pala ang episode na ibinalita na sa harap ng media nina justin at jessie ang kanilang pag-iisang dibdib. nakatutuwa dahil nakilala ko ang isa sa mga gumanap na reporter sa press conference na iyon. nakasama ko siya sa organisasyon namin sa teatro noong kolehiyo. nilitratuhan ko pa nga ang eksena para lang may patunay akong nakita ko siya. ahaha.
dahil nabanggit na rin lang kanina si richard gutierrez, ikukuwento ko na rin na nakita ko siya sa suvarnabhumi airport sa bangkok noong ika-lima ng disyembre. may kasama siyang babae noon pero hindi ko siya napansin. si richard lang ang nakasalubong ko at dyahe dahil suot ko ang “tamad” t-shirt ko. halata bang hindi pilipino? anyhoho, nagkasalubong kami at napatingin si richard sa suot ko. awkward dahil saan nga naman nakalagay ang salitang tamad sa suot ko, kundi sa dibdib, davah . oh well, hindi naman ako naging maselan dahil nawawala ako sa airport noong panahong iyon kaya hindi iyon masyadong inisip. hinahanap ko kasi ang sakayan ng taxi. sa exit 7 pala ako pupunta.
kc concepcion,lovers in paris,philippines,photoshop,piolo pascual,zanjoe marudo
In mga litrato, mga reklamo on Disyembre 13, 2009 at 2:44 hapon
hindi ko nakahiligan ang palabas na lovers in paris (kahit na type ko si lee dong gun) lalo na iyong tagalog version nina piolo pascual at kc concepcion. kaya lang ako sumulat ay dahil sa litrato na para sa palabas na iyon. pasensya na, ito ang pinakamalapit na litratong nahanap ko:

iyong litratong hinahanap ko ay ito ngunit may litrato pa ni zanjoe marudo sa gilid. madalas kong makita ang litratong iyon sa may mrt. natatawa lang ako dahil kung saan-saan sila nakatingin. pansin niyo ba? ang kintab-kintab pa ng hitsura nito. parang naligo sa mantika at nabilad sa araw.
family station,japan,japan surplus,philippines,second hand
In libre ang pangarap, nakatutuwa on Nobyembre 11, 2009 at 10:01 umaga
madalas kong puntahan ang family station sa may ever gotesco commonwealth. marami kasi silang tindang laruan na nakatutuwa.
napagtanungan ko sa tindera kung saan pa sila may branch. ang naaalala kong sinabi niya ay sa fairview center mall (fmc), buendia at monumento. may isa pa yatang branch pero limot ko na kung saan. ang mga presyo nila ay kadalasang sarado sa P20, P40, P60, P80, P100, P200, P300… etcetera.
(/edit: 18 nobyembre) mayroon din daw sa gil puyat lrt at malinta. iyong monumento branch, sa araneta square iyon. iyong pritil branch, sinara na raw.)
sa family station, nakabili ako ng:
- plastik na laruan na hello kitty toaster. lalagyanan ko na ito ng remote control.
nabili ko lamang ito sa halagang P20.
- sakura water colors na hindi pa gamit. walang kulang na kulay. mga 10 siguro na tubes yun. nagkakahalaga ito ng P40 sa family station. sulit!
- bag na ulo ng super sentai red ranger. marumi ito ng kaunti sa ilalim pero maaaring labhan. ang salamin na bahagi ng helmet ng red ranger ay gawa sa malinaw na plastik kaya’t makikita mo kahit papaano ang laman ng bag kapag tiningnan sa labas. pambata itong bag pero KEBER. nabili ko ito sa halagang P60. nagustuhan ng pamangkin ko kaya ko ibinigay sa kanya.
- naitutuping bag. manipis lamang ito. halos katulad ng mga bag na ibinebenta ng mga grocery stores para naman makatipid na sa paggamit ng plastic bags. ang tela ay parang sa payong. makintab at plaid ang disenyo. natutupi ko ito at naizizipper para sa ganoon ay maitago ko ito sa ibang bag. nagagamit ko ito kapag may mga gamit akong hindi magkasya sa bag ko. P20 lamang.
- pambatang shoulder bag. cute ang disenyo ng nahanap ko. may teddy bear na nakatatak. P60 ito at balak kong ibigay ito sa isa ko pang pamangkin.
sana may makita pa akong magandang gamit. mayroon akong mga nakitang manga comics at cds ng mga hapon na mang-aawit, at parehong binebenta sa halagang P40 bawat isa. okey sana kung mahilig ako doon eh.
mahal ang mga sapatos doon. mas magandang bumili ka na lamang ng bagong sapatos kaysa doon. pati ang mga kasangkapan sa bahay at kusina. ang mga stuffed toys naman ay mukhang pupuwede na. hindi nga lang ako mahilig sa ganoon. kakaunti lamang ang mga libro. ang maganda lang talaga sa family station ay ang mga laruan.
marami akong nakita roong laruan galing sa mcdonald’s japan. magugulat ka at mga hi-tech ang mga laruang kasama sa happy meals na ibinebenta doon. maganda rin ang pagkakagawa at talagang pinag-isipan. dito kasi, maganda lang ipangdisplay ang mga laruang panghappy meal. doon kahit matanda, pupuwedeng laruin ang mga ito.
sana ay may bago na uli silang stock. hindi naman nila kasi puwedeng ipagsabay-sabay ang mga magaganda nilang gamit dahil mauubos lahat ito at ang matitira ay iyong mga sira at hindi na mapakikinabangan pa. nakakabuwisit kapag maraming tao roon lalo na mga bata. ginagawa nilang palaruan ang tindahan ng mga laruan doon. nasisira tuloy ang mga ibang laruan. para sa may mga proyekto sa sining, maaari kayong mamili ng mga laruan doon na magagamit ninyo sa inyong homework.
tara na sa family station!!!
(/edit: 18 nobyembre)