aba magkasunod pa lang nailathala ang mga larawan ng mga mang-aawit na sina cassie (ventura) at rihanna kung saan sila ay nakahubad.
noong una ay ang isang litrato lamang ni cassie ang lumabas. makikita mo roon ang kanyang dibdib. aba bigla palang nag-twitter si cassie at ang sabi ay may nanghimasok ng kanyang computer at nakuha ang pribadong litrato na ‘yan. sinabi pa niyang huwag daw umasta ang mga nakakita na noon pa lamang sila makakikita ng dibdib ng babae. kinain niya ang sinabi niya dahil lumabas naman ang mga litrato niya kung saang harapang nakahubad siya sa camera. AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH. huwag sana niyang sabihin na huwag tayong umasta na para bang noon lang tayo nakakita ng ari ng babae!
pagkatapos lumabas naman ang mga litrato ni rihanna. sa pampalitan ng damit na kuwarto yata iyon kinunan. tapos sumulpot pa si chris brown. ang balita ko ay tumakas na naman si rihanna. pumunta siya sa hawaii para iwasan ang tsismis. aba mis, may internet sa hawaii. bakit sa tingin mo ay makakaiwas ka kung pumunta ka roon? at siyempre talagang maiintindihan ito ni rihanna dahil tagalog pa ang pagkakasabi ko. ahehehe. takbo lang ng takbo si rihanna. noong una ay nagtago siya dahil binugbog siya ni chris brown. tapos heto naman, nagtatago na naman. ang grupo pala ni rihanna ay sinesensor ang internet. nagrereklamo sila para matanggal ang mga litrato. ginawa na nga nila iyan sa livejournal e, kung saan ako tumatambay. ang mga litrato na nakalathala sa website na iyon ay nawala na.
parang vanessa hudgens ol ober agen.
hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagtatago ang mga babae ng litrato nila na nakahubad sa computer nila. at lalong hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang KUMUHA ng litrato na nakahubad (pwera na lamang kung ito ay para sa sining). bueno, kung talagang iyan ang gusto ninyong gawin, dapat nakahanda kayo sa kahit anumang mangyari ukol sa mga litratong iyan. panindigan ninyo ang paghuhubad ninyo para hindi naman kayo magmukhang katawa-tawa.