skyllo

credit card

In hay buhay palpak, mga reklamo on Mayo 20, 2009 at 8:25 hapon

nasagap ko na nagkaroon ng reporma ang credit cardholder’s bill of rights sa estados unidos. magaling. maganda ang pagbabagong ito. ito ang isa sa mga pagbabago ayon sa consumer reports money blog:

Overlimit fees can’t be charged unless cardholders are told that the purchase will put them over their limit and they authorize it to go through anyway

naalala ko noong tumawag ako sa union bank dahil nakita kong may charge ako for overspending sa card ko gayong hindi ko naman alam na sumobra na pala ako. tumawag ako sa customer service ng union bank upang mapaliwanagan ako ukol sa dagdag na bayad na ito. ang sabi ng nakausap ko ay hindi kaagad naa-update ang account ko kaya habang panatag akong gumagastos ay lumalampas na pala sa card limit ang nagagastos ko. nangatwiran ako na kahit sumobra ako sa paggastos (kaunti lang naman, siguro ilang daang piso lang tapos pinagbayad ako ng 200 dahil nga sumobra) dapat agad-agad naa-update ang account ko. kaya nga naglagay ng limit sa aking account ay para iyon lang ang dapat kong gastusin. at kaya naman nadedecline minsan ang card ay dahil naabot na ang limit. walang nangyari sa aking decline-decline tienes noon. lahat ay pumasok sa card ko. aba ang sabi ng babae ay responsibilidad ko raw iyon na magkuwenta ng gastos kaya ang dating e ako pa ang may kasalanan kung bakit sumobra. KUNG HINDI BA NAMAN SIYA TANGA AT BASTOS, DI BA. para bang sinabihan niya ako na wala akong disiplina sa paggastos, na hindi ko kinikilala ang limit na ibinigay sa akin ng kumpanya ng credit card. sa totoo lang, kahit anong bilang mo sa gastusin, basta card ay may dagdag na interes na magulong kuwentahin. kung ganoon pala na hindi madedecline ang card kahit sumobra pa ako, bakit pa may limit? sinabihan ko na lang siya  na wala naman pala siyang magagawa at sa loob-loob ko ay naiinis na ako dahil indirekta niya akong tinawag na burara. sinungitan pa ako ng hitad nang ibababa ko na ang telepono. customer serbisin mo ang mukha mo, gaga!

ang patakarang ito sa estados unidos ay inaasahan kong matupad sana rito. ang nangyayari kasi ay ang mga credit card companies katulad ng unionbank, taragis kayo, ay pahirapan sa pagkuha ng credit card ngunit para bang galak na galak at atat na atat silang maningil. nakabubuwisit at nakababastos ang ginawa sa akin ng union bank noon. mabuti na lang at alam ko ang pakiramdam ng nasa customer service kaya hindi ko niratratan iyong operator na suplada.

Dapat ay nakatala ka para makapagpaskil ng puna.