skyllo

gerald anderson: pahiya

In baliw sa pag-iinternet, mga sikat na tao, nakatutuwa on Mayo 20, 2009 at 9:17 hapon

naloka naman ako rito. bale sinusundan ko kasi si david archuleta sa twitter. bigla na lang may nabasa akong tweet niya na ganito:

People wondering if I went to Jarred High in Missouri with Gerald. Never heard of him, the school, or lived there. I went to Murray High!

ewan ko naman kung sino iyong binanggit niyang gerald. nabasa ko naman sa tumblr na nakapanayam ang artistang si gerald anderson sa palabas na snn at nasabi niyang naging kaklase niya si david archuleta sa mataas na paaralan ng jarred sa missouri. AHAHAHA siya pala ang gerald na tinutukoy ni david! HAHAHA napaghahalatang may nagsisinungaling ah. AHAHAHAHA hindi naman na dapat ako makikialam sa ganitong usapin dahil wala namang halaga ang ganito kundi kalokohan, at hindi ako mahilig masyado sa showbiz dito sa pilipinas, pero natatawa lang ako na madaling natanong mga pilipinong tagahanga kay david archuleta kung totoo o hindi ang sinabi ni gerald anderson sa panayam na iyon. at kaagad nakasagot si david tungkol doon. siya ang nagsabi. hindi kinatawan niya o tatay. SIYA MISMO ang sumagot. hay naku twitter, nakapahiya ka na naman ng hunghang sa internet.

Dapat ay nakatala ka para makapagpaskil ng puna.