minabuti ko nang magpalit ng wordpress theme dito dahil nakababagot na ang hitsura. mukha nang pa-diyaryo ang hitsura ng blog ko ngayon. ayos!! kasalukuyan din akong nababagot sa aking ginagawa sa trabaho ngayon. ang sakit na nga ng aking puwitan dahil kanina pa ako nakaupo rito. namali pa ako ng gawa. ahay..
pupunta pala rito si kobe bryant! sa ika-21 ng hulyo! aywan ko naman kung saan siya tutungo dito sa maynila. hay naku, sana si shaq, ang hari ng twitteronia, na lang ang pumunta dito para magtitwitter siya kung nasaan siya tapos susundan ko, hahahaha. biro lang, hindi ko gagawin iyon, pero minsan kasi gusto niyang nahahanap siya ng fans dahil sa twitter niya. minsan may binibigay pa siyang tiket sa kung ano kapag natagpuan mo siya e.
naraid pala ng nbi ang flesh asia daily. ito ay dahil sila ang unang pinanggalingan ng mga bidyo sa hayden camera scandal. eh kasi ba naman, lagyan ba ng URL ang mga bidyong ikinalat ‘di ba. parang ang dating eh sila ang nagmamay-ari ng mga bidyong iyon. katakut-takot namang pera siguro ang nakuha ng flesh asia daily sa mga patalastas sa kanilang website. sa dami ba naman noon ng naghahanap ng download ng mga bidyo ni hayden kho, davah? (paborito ko na yatang pang-asar ang salitang “davah”.)
kras na kras (in short, CRUSH) ko talaga si kim kardashian. paki ko ba na babae ako, e sa maganda siya, at seksi ang katawan. makinis pa ang balat. (ayoko nga lang ang retokada niyang ilong.) nakatutuwa dahil mahilig siyang mag-update ng kanyang website. gusto niyang ipinamamahagi ang kanyang mga kuwento at litrato. sa mata ng ibang tao, KSP siya, pero KEBER. mas maganda siya sa inyo, mga inggit! nakita niyo na ba ang sex tape niya noon kasama ang dati niyang nobyong si ray j? naaninag ko lamang iyon. kakaloka, talagang gabola ang dede niya! ‘di ba siya nasasaktan? pero kung hindi dahil sa video na iyon, hindi siya sisikat, kaya salamat sex tape, salamat, dok?
hanggang dito na lamang. naaawa na talaga ako sa puwitan ko. kanina pa naiipit. kay natagal ko na kasing nakaupo rito. swoosh!