ay marami akong bisita dahil kay adam lamberg, nakakapagtaka. kung hindi niyo siya nakikilala, siya si gordo, ‘yung batang mahilig gumawa ng pelikula sa palabas ng disney na lizzie mcguire. katambalan niya (patago nga lang kasi bespren siya eh) ni lizzie na ginampanan ni hilary duff.
matagal nang walang ginagawang bagong proyekto si adam dahil sa wikipedia, beautiful loser ang natatanging ginawa niya noong taong 2008. eh ngayong 2009? walang nakalista!
hindi kaya marami ang napapadpad dito dahil sa lumahok sa american idol na si adam lambert? sa bagay, may nangyari kasing ganito sa google. pakibasa na lamang sa best week ever. at heto ang nakakakabit na litrato:

Adam Lamberg o Adam Lambert?
may nahanap pala akong isang blog tungkol kay adam LAMBERG, hindi LAMBERT. nalipasan na ito ng panahon dahil 2008 pa ang huling lahok: http://adamlamberg.blogspot.com/.
hay nako, wala bang bago sa batang ire? ano na kaya ang hitsura niya? buhaghag at malaki pa rin ba ang buhok niya???
++++++++++
for adam lamberg:
adam, if you ever come across this page, please give us a sign that you are still alive!!! what have you been up to? where in the internet can we find you? it seems like you have no official site. that’s actually sad…
waiting for news,
jamie